The RainBro Connection

YOU FOUND IT!
(the usually-love-and-alcohol-induced rants, writings, and heaps of emo crap by Juan Miguel Severo)

  1. Buti Ka Pa, Jolens, Masaya Na (A Tribute to the Mother of All Jologs and Her Love Found)

    Hay, buti ka pa, Jolens, masaya na
    kapiling ng mahal mong Rivermaya.
    Hindi na ‘ko bitter na hindi kayo ni Marvin.
    Basta laging tapat si Mark kung ikaw ay ibigin.

    Alam mo, Leslie, n’on pa man bilib na’ko sa’yo.
    Keri mo kasi kahit mga de-spring na paru-paro sa ulo.
    “M” ba ang result sa FLAMES at talagang si Mark na daw?
    Natameme rin ba si tsong at ikaw pa ang nanligaw?

    Hay, buti ka pa, Jolens, masaya na
    kapiling ng mahal mong Rivermaya.

    Okey lang ako, Bujoy, dahil okey ka na.
    Sana nga alagaan kang mabuti niyang si Mark Escueta.
    Ang wish ko, sana kayo na talaga until the end.
    At sana nga, you fell in love with (and married) your best friend.

    Hay, buti ka pa, Jolens, masaya na
    kapiling ng mahal mong Rivermaya.


    Gusto ko rin, Abigail, nyang tulad ng sa’yo.
    Hindi drummer ha! Hindi rin tulad nyang musikero!
    Ang ibig kong sabihin… a love that I know is true.
    ‘Ika nga ni Mareng Nikki V: yung merong chuva-chu-chu.

    Hay, buti ka pa, Jolens, masaya na
    kapiling ng mahal mong Rivermaya. 

    Kaya maalat man ang pagtanggap ng tao sa Iglot,
    ayos lang yon, at least in your heart, walang kirot.
    Kasi, lintek, Ramona, may nagmamahal sa’yo o!
    Eh ang matagpuan ‘yan, telepantasya lang sa ibang tao.

    Hay, buti ka pa, Jolens, masaya na
    kapiling ng mahal mong Rivermaya.
    Sa’kin kaya, kelan darating ang pag-ibig na ganyan,
    na kung magbigay kulay sa mundo parang accessories mo lang?

    Best wishes,
    JUAN MIGUEL SEVERO 2011

    21
    1. hyaayh reblogged this from therainbro
    2. junkf00djunkie reblogged this from therainbro
    3. dernullmeridian reblogged this from therainbro
    4. therainbro posted this